AFP bubuo ng panibagong military division para ipadala naman sa Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 07:44 PM

Lilikha ng panibagong military division ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para ipadala sa Sulu at labanan ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, kailangan nilang mag-recruit ng mas madami pang bagong sundalo para makabuo ng bagong dibisyon.

Kapag nalikha na ang bagong military division, gagawin itong permanente sa Sulu para sugpuin ang Abu Sayyaf.

Una nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ang pagtatalaga ng tropa ng militar sa probinsya dahil sa mga engwentrong nagaganap sangkot ang bandidong grupo.

Kamakailan, 5 sundalo ang nasawi sa bakbakan na ikinadismaya ng husto ng pangulo.

TAGS: AFP, DND, new military division, Sulu, AFP, DND, new military division, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.