5 arestado sa buy-bust operation sa Las Pinas
Arestado ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (RDEU-NCRPO), Las Piñas City Police Station PCP-7 at ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-NCR sa Las Piñas City.
Kinilala ni NCRPO Director Police Dir. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Pamela Arroyo, 43 anyos; Marilou Santos, 61 anyos; Ricardo Nalus, 43 anyos; Catherine Lina, 39 anyos; at Fernando Franco, 50 anyos.
Sa ulat ng mga otoridad, nakipagtransaksyon ang undercover agent nila kay Lina at Franco para makabili sila ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000. Sinamahan sila ng dalawang suspek sa bahay ni Arroyo kung saan doon ginawa ang bentahan.
Nang magkaabutan na ng ilegal na droga at pera ay doon na dinakip ang mga suspek.
Aabot sa 30 gram ng hinihinalang shabu ang nakuha sa mga suspek na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.