Kumpanyang Petron nag-anunsyo ng mas malaking halaga ng rollback sa LPG

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 04:21 PM

UPDATE: Nag-anunsyo na rin ng rollback sa presyo ng kanilang produktong LPG ang kumpanyang Petron.

Mas malaki ang halaga ng rollback na ipatutupad ng Petron na P6.40 kada kilo ng LPG o katumbas ng P70 na rollback sa kada 11-kilogram LPG cylinder.

Epektibo ang nasabing rollback alas 12:01 ng madaling araw bukas, December 1.

Ayon sa Petron, magpapatupad din sila ng P3.50 per liter na rollback sa presyo ng kanilang AutoLPG.

Samantala, ang kumpanyang Solane naman magpapatupad ng rollback na P6.36 sa bawal kilo ng LPG. Ang rollback ay katumbas ng P69.96 na bawas sa bawat 11-kilogram LPG cylinder.

Alas 6:00 naman ng umaga ng Dec. 1 epektibo ang rollback ng Solane.

Una nang nag-anunsyo ng rollback sa presyo ng LPG ang EC Gas na P5 kada kilo o P55 sa bawat 11-kilogram LPG cylinder alas 6:00 din ng umaga.

TAGS: LPG, Radyo Inquirer, rollback, LPG, Radyo Inquirer, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.