LOOK: Mugshots nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Rep. France Castro inilabas ng PNP
Inilabas ng pulisya ang mugshots ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Rep. France Castro na inaresto kasama ang 16 na iba pa dahil sa umano’y pagdukot sa 14 na menor de edad para turuan ang mga ito ng ideyang rebolusyonal
laban sa gobyerno.
Ang inilabas na mugshots nina Ocampo at Castro ay mula sa Police Regional Office 11.
Ang grupo ng mga mambabatas ay sakay sa 5 van na hinarang Miyerkules ng gabi sa police at military checkpoint sa Talaingod, Davao Del Norte.
Ang mga menor de edad ay mga estudyante ng Salugpungan School sa Sitio Dulyan, Palma Gil.
Ayon kay Chief Supt. Marcelo Morales, director ng police regional office sa Davao Region, may nagreklamo na ang kampo nina Ocampo at Castro ay kinukuha ang mga kabataan halos tuwing gabi ng walang pahintulot ng kanilang mga magulang.
May ulat anya na ang mga estudyante ay tinuturuan ng mga maling ideya na malayo sa mandato ng Department of Education.
Dagdag ni Morales, ginagamit din umano ng grupo ni Ocampo ang mga bata sa kanilang mga rally laban sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.