Bonifacio Day ginunita sa Pamitinan Cave sa Rodriguez, Rizal
Ipinagdiwang din ang ika-155 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa Pamitinan Cave.
Sa naturang kweba unang inihayag ni Bonifacio kasama ang walong iba pang Katipunero ang unang sigaw ng kalayaan.
Nangyari ito noong April 12, 1895.
Idinaos ang aktibidad para sa Bonifacio Day sa Wawa Ground, Pamitinan Protected Landscape sa Barangay Sam Rafael, Rodriguez Rizal.
Kabilang sa mga dumalo ang mga tauhan ng Rodriguez Police at mga tauhan ng Rodriguez Fire Station.
Sa pader ng Pamitinan Cave makikita pa ang mga kataga na “Viva la Independencia Filipina”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.