Jeepney drivers makatatanggap ng P20,000 na fuel subsidy sa 2019

By Rhommel Balasbas November 30, 2018 - 04:43 AM

Dahil sa ipatutupad na ikalawang round ng excise tax sa mga produktong petrolyo, mas malaking fuel subsidy ang matatanggap ng drivers at operators ng mga pampasaherong jeep sa 2019.

Sa isang pulong balitaan sa Maynila, inanunsyo ni Budget Secretary Benjamin Diokno na tuloy ang ayuda base sa dagdag na P2 sa excise tax.

Nangangahulugan ito na mayroong matatanggap na P20,000 na subsidiya ang mga tsuper sa ilalim ng Pantawid Pasada Program dahil papalo na sa P4.50 ang excise tax sa kada litro ng diesel.

Matatandaang sa ilalim ng TRAIN law ay may P2.50 na excise tax sa kada litro ng diesel at madagdagan ng P2.00.

Ngayong taon ay nakatanggap ng P5,000 na subsidiya ang drivers at operators sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.

Napagdesisyunan ng economic managers na bawiin ang kanilang naunang rekomendasyon na suspendihin ang ikalawang round ng fuel excise tax sa susunod na taon.

Ito ay dahil sa bumababang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na dahilan ng sunud-sunod na rollback sa bansa.

Hindi lamang ipatutupad ang pagtataas sa buwis sa langis sakaling lumampas sa $80 per barrel ang Dubai crude sa loob ng tatlong sunod na buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.