Industriya ng Technology and Transformation nangunguna sa bansa
Patuloy ang pagtaas ng sahod para sa mga manggagawa sa mga pangunahing industriya sa bansa, ayon sa specialist recruitment firm na Robert Walters.
Batay sa taunang Salary Survey na isinagawa ng Robert Walters, umabot nang hanggang 20% na dagdag-sahod ang natanggap ng mga mangagawang lumipat ng kumpanya.
Umabot naman nang hanggang 40% ang dagdag-sahod na natanggap ng mga nasa mataas na posisyon o nasa senior level.
Nanguna ang Technology and Transformation at ang Banking and Financial Services sa mga industriyang tumaas ang pasahod. Sumunod dito ang mga industriya ng Human Resources, Sales and Marketing, at Accounting and Finance.
Ipinahayag ni Monty Sujanani, country manager ng Robert Walters sa bansa, bunsod ito ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pagdami ng mga pumapasok na dayuhang kumpanya.
Dagdag ni Sujnani, partikular na lumalaki ang pangangailangan ng technical skills sa iba’t ibang industriya dahil sa digitalizaton. Aniya, hinahanap ng recruiters ang professionals na malakas ang technical skills sa iba’t ibang industriya.
Inaasahang magpapatuloy ang paglikha ng mas marami pang trabaho hanggang sa susunod na taon dahil sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.