Malacañang: Hindi iniutos ng pangulo ang pag-ubos sa pamilya Parojinog

By Chona Yu November 29, 2018 - 04:18 PM

Inquirer file photo

Nilinaw ng Malacañang na tanging pag-aresto, pag- prosecute at hindi agarang pagpatay ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chief Inspector Jovie Espenido sa pamilya ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Taliwas ito sa utos kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Espenido na ubusin at burahin sa mundo ang pamilya Parojinog.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo,  lumala na naman kaso ang sitwasyon ng ilegal na droga sa Ozamiz City kung kaya nagpasya ang pangulo na ibalik sa lugar si Espenido.

Pero ayon kay Panelo, sakaling manlaban ang pamilya Parojinog, walang magagawa ang mga otoridad kundi ang ipagtanggol ang sarili.

Sa pagharap ng pangulo sa mga residente sa lungsod ay kanilang sinabi na gusto nilang ibalik sa Ozamis City bilang hepe ng pulisya ng ang nasabing opisyal.

TAGS: drugs, duterte, Jovie Espenido, ozamis city, panelo, parojinog, drugs, duterte, Jovie Espenido, ozamis city, panelo, parojinog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.