Seguridad ng pangulo ng China habang nasa bansa, tiniyak

By Jay Dones November 12, 2015 - 01:24 AM

 

Inquirer file photo

Nakipagpulong ang mga opisyal ng Philippine National Police sa kanilang mga Chinese counterparts bilang paghahanda sa posibilidad na ng paglulunsad ng mga rally kontra China sa panahon ng APEC sa susunod na linggo.

Isa sa mga pinaghahandaan ng mga otoridad ay ang pagtungo sa Pilipinas ni Chinese President Xi Jinping.

Matatandaang nagkaroon ng lamat ang relasyon ng China at Pilipinas dahil sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea.

Ayon kay APEC Task Force Commander Director General Ricardo Marquez, una nang nagpahayag ng kanilang concern si Chinese Ambassador to the Philippines, Zhao Jianhua sa seguridad ng kanilang presidente sakaling dumating na ito sa bansa.

Paliwanag pa nito, wala namang spesipikong banta laban sa pangulo ng China bagamat posibleng maglunsad ng mga rally ang ilang mga anti-Chinese groups.

Ito naman aniya ay kanilang puspusang pinaghahandaan na.

Pagtitiyak pa ng PNP, nakalatag na ang kanilang ipatutupad na matinding seguridad para sa mga lider ng iba’t-ibang bansa at sa kanilang mga delegado na bibisita sa Pilipinas sa panahon ng APEC summit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.