Big time rollback sa presyo ng LPG, inaasahan sa Disyembre
Matapos ang mahigit P7 na rollback sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG) ngayong buwan, isa na namang malaking tapyas ang inaasahan sa Disyembre.
Ayon sa oil industry sources, posibleng mayroong bawas na P5 sa kada kilo ng LPG o P55 sa 11 kilogram na tangke.
Itinuturong dahilan ng posibleng rollback ay ang mababang demand sa LPG sa bansang China.
Dahil dito ay magreresulta ito sa oversupply na dahilan naman ng mababang presyo.
Gayunman, posibleng magbago pa ito base sa magiging takbo ng presyo sa pandaigdigang merkado sa mga huling araw ng Nobyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.