Pasok na ang UP Fighting Maroons sa Finals ng UAAP Men’s Basketball matapos ilaglag ang Adamson Soaring Falcons sa kanilang do-or-die game.
Sa iskor na 89-87, nanaig ang UP laban sa koponan ng Adamson.
Ito ang unang pagkakataon mula noong 1986 o makalipas ang 32 years.
Nagkaroon pa ng overtime, makaraang magtabl ang iskor ng dalawang koponan.
Ang laro ng dalawang team ay sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City, na punung-puno ng mga taga-UP at Adamson.
Bago naman mag-alas tres ng hapon ay nagsilabasan na ang marami sa mga estudyante at kahit mga propesor ng UP, upang manuod ng kumpetisyon, kahit hindi sa Araneta Coliseum.
Sa UP Diliman Sunken Garden, may dalawang malaking screens kung saan live na napanuod ang laban ng dalawang koponan.
Nakasalampak na sa damuhan ang mga audience, at hiwayan at napapatayo pa tuwing nakakaiskor ang UP.
Mayroon ding nagtipon-tipon sa AS Lobby, UP Theater at iba pang bahagi ng unibersidad upang manuod ng UP versus Adamson.
May presensya naman ng mga pulis-QC at UP Police, upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa lugar.
Inaabangan naman ang tinatawag ngayong “Battle of Katipunan” sa UAAP Season 81 men’s basketball finals. Dahil makakaharap ng UP ang Ateneo Blue Eagles sa Best of 3 finals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.