Mas pinasimpleng tax system bill lusot sa 2nd reading sa Kamara

By Erwin Aguillon November 28, 2018 - 03:34 PM

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang panukalang naglalayong gawing simple at patas ang sistema ng pagbubuwis.

Sa pamamagitan ng viva voce voting lumusot ang House Bill 8645 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation.

Layon ng panukala na i-harmonize ang walumpung tax rates at gawin na lamamg itong apatnapu at isa.

Bukod pa sa pagpapawalang saysay sa maraming special laws na nagbibifay ng special rate at exemptions.

Inaayos din nito ang buwis na ipinapataw sa mga financial intermediaries at sa kanilang mga serbisyo o produkto gaya ng savings at investment pati sa debt at equity instruments.

Ang interes at dibidendo pati capital gains ay papatawan na ng unified income tax na 15% samantalang 2% naman ang ipapataw sa mga pre-need, pension at life insurance.

TAGS: Congress, House Bill 8645 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation., second reaDING, Congress, House Bill 8645 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation., second reaDING

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.