Hindi naiwasan ng Palasyo ng Malakanyang na purihin si dating Presidential adviser in the peace process Secretary Jesus “Jess” Dureza dahil sa pag-ako ng responsibilidad at ang paghingi ng tawad dahil sa mga pagkakamali ng dalawaa niyang tauhan na nasangkot sa korupsyon.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang ginawa ni Dureza ay isang magandang halimbawa ng delicadeza at pagpapakita ng isang mabuting lider.
Pinasalamatan din ng Palasyo si Dureza sa serbiysong ibinigay sa bansa, kung saan tinulungan niya si Pangulong Duterte sa pagsulong ng kapayapaaan.
Kasabay nito, nagbabala ang Malakanyang na ang pagsibak ng pangulong kina OPAPP Usec. Ronald Flores at Asec. Yeshter Donn Baccay ay patunay na walang pinipili o inaabswelto ang Duterte Administration sa laban nito kontra korapsyon.
Wala aniyang sasantuhin ang administrasyon sa paglaban sa korupsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.