Mga sumuko na rebelde, itatalaga ni Pangulong Duterte sa Duterte Death Squad
Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na kunin ang mga sumuko na rebelde sa pamahalaan para bumuo sa Duterte Death Squad (DDS).
Ayon sa pangulo, ang DDS ang ipangtatapat niya sa sparrow unit ng New People’s Army (NPA).
Marami naman aniya ang nagbalik loob sa pamahalaan at maaring mapakinabangan pa.
Utos ng pangulo sa DDS, kapag may nakaupo na tatlo o apat na NPA na paupo-upo o tumatambay sa mga karinderya at naging pasaway, agad nang patayin para wala nang mahabang istorya.
Nakapapagod aniya kung maghahain pa ng kaso laban sa mga rebelde kung kaya mas makabubuting patayin na lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.