Kampanya laban sa NPA, magiging full scale kapag pumalya ang usapang pangkapayapaan
Full scale na ang magiging operasyon ng pamahalaan laban sa New People’s Army (NPA) at Abu Sayyaf Group (ASG) kung hindi magiging mabunga ang negosasyon sa dalawang grupo.
Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City, sinabi nito na aatasan na niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na itodo ang kampanya para tuluyang mapuksa ang mga kalaban ng estado.
Sa ngayon, sinabi ng pangulo na ayaw na niyang makipag-usap sa rebeldeng grupo.
Nawawalan na ng pag-asa ang pangulo na tuluyang maseselyuhan ang usapang pangkapayapaan.
Matatandaang hiniling ng pangulo kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na bumuo ng panukalang peace deal para mapag-aralan ng gobyerno.
Kapag nagustuhan aniya ng pamahalaan ang draft, maaaring ituloy ang usapang pangkapayapaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.