Pagbubukas ng kontrobersyal na ‘Kamuning footbridge’ ipinagpaliban

By Rhommel Balasbas November 28, 2018 - 03:36 AM

Ipinagpaliban ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nakatakda sanang pagbubukas kahapon ng kontrobersyal na footbridge sa Kamuning, Quezon City.

Matatandaang umani ng batikos ang naturang footbridge na binansagang ‘Mount Kamuning’ at ‘Stairway to Heaven’.

Ayon sa MMDA, tinitiyak muna nila kung ligtas ang footbridge na magamit ng publiko.

Matatandaang sinabi ng MMDA na babaguhin nila ang disenyo ng naturang istruktura ngunit pananatilihin ang taas nitong nasa 40 talampakan.

Nilinaw rin ng MMDA na kasama sa P10 milyong budget ang pagbabago sa disenyo ng footbridge.

Samantala, target naman ng ahensya na buksan pa rin ang footbridge bago matapos ang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.