Duterte kay Sison: Mas mauuna kang mamatay

By Chona Yu November 27, 2018 - 04:25 PM

“Mauuna kang mamatay”.

Ito ang naging bwelta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na may kidney at colon cancer ang punong ehekutibo.

Ayon sa pangulo, base sa kanyang pagsusuri sa kanyang katawan, hindi pa naman siya nangangamoy na tila ay may cancer.

Kapag may cancer kasi aniya ang tao, amoy bulok na ang katawan nito.

Sinabi pa ng pangulo na para sa kanyang mga kritiko na naghahaka hakang siya ay mamatay na… tiyak na sila pa ang mauunang mamatay.

Ipinakikita lamang aniya ni Sison na desperado na itong maging presidente kung kaya hinahangad na ang kanyang kamatayan.

“Pusta kayo sila ‘yung unang mamatay. ‘Yung nag-aano lang na. So if you are that desperate to be president, why do you have to dwell on such issue as ‘yung kamatayan ng tao? After all, sino bang mag-akala na mamatay? ‘Yan nahulog lang bigla. O ‘di patay. ‘Di biyuda”, ayon pa sa pangulo.

TAGS: cancer, duterte, Joma Sison, Malacañang, cancer, duterte, Joma Sison, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.