Paratang ni Pang. Duterte na sangkot siya sa ilegal na droga sinagot ni Bishop David

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2018 - 09:06 AM

Sinagot ni Caloocan Diocese Bishop Pablo David ang paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte n baka siya ay sangkot sa ilegal na droga.

Sa kaniyang talumpati sa Davao City, sinabi ng pangulo na nagdududa siya na maaring sangkot din sa ilegal na droga si David dahil sa ginagawa nitong pag-iikot sa gabi.

Ani David, hindi siya nasangkot kailanman sa illegal drugs.

Ang tanging ginagawa umano niya ay ang tumulong sa rehabilitasyon ng mga adik sa ilegal na droga.

Nakikipag-ugnayan aniya siya sa anti-drug abuse councils at lokal na pamahalaan ng Caloocan, Malabon at Navotas para sa proyektong rehabilitasyon.

Sinabi rin ni Bishop David na sa ngayon nagpapasalamat siya sa Diyos dahil wala pa siyang maintenance ng anumang gamot.

Tanging vitamins aniya ang kaniyang iniinom at fruit shake na may kasamang malunggay sa umaga.

Inalok pa nito si Pangulong Duterte na subukan ang nasabing fruit at malunggay shake dahil makabubuti aniya ito sa kaniyang kalusugan.

 

TAGS: Bishop Pablo David, Bishop Pablo David

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.