Desisyon kung tatakbong pangulo o hindi, ipinapasa-Diyos na ni Duterte

By Erwin Aguilon November 11, 2015 - 12:11 PM

CTgDhLjUAAEtEjgNananatili ang posisyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na huwag tumakbong presidente sa 2016 elections.

Si Duterte kasama si Senator Alan Peter Cayetano ay dumalo sa 23rd AFAD Defense & Sporting Arms Show sa Megatrade Hall sa SM Megamall.

Ayon kay Duterte, tatlong bagay ang pumipigil sa kanya para tumakbong pangulo; una, ang pagtutol ng kanyang pamilya lalo pa ngayon at maysakit ang kanyang asawa; ikalawa, ang kanyang edad at ikatlo, wala siyang pera para suportahan ang kanyang kandidatura.

Sa tanong kung ano ang magpapabago ng kanyang isip para tumakbo sa pagka-presidente sinabi nito na ang Panginoon lamang ang makagagawa nito lalo na kapag ibinigay na ng Diyos ang “mana” galing sa langit.

Naniniwala din si Duterte sa destiny na galing sa Diyos ang pagiging presidente ng bansa kaya ipinauubaya na niya ito sa maykapal.

Kaugnay naman sa kung sino ang iboboto niyang pangulo tumanggi ang alkalde ng Davao na ihayag ito.

Nilinaw rin ni Duterte na walang kahulugang pulitikal ang pagsasama nila ni Cayetano sa nasabing event.

Tinawag din ni Duterte na “Press release lang” ang umanoy pagiging substitute candidate niya ng partidong PDP-Laban.

TAGS: Duterte on 2016 elections, Duterte on 2016 elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.