Dating HUDCC official nangikil kaya sinibak ni Duterte
May matibay na ebidensya si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsibak kay dating Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary-General Falconi Millar.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasangkot sa extortion o pangingikil si Millar sa isang kumpanya.
Nabatid na may bayarin daw ang HUDCC sa naturang kumpanya subalit hindi pa niri-release ang pondo.
Dalawang beses aniyang nag-alok si Millar sa naturang kumpanya na bigyan na lamang siya ng malaking halaga ng pera para mapabilis ang pag-release sa bayad.
“According to that sworn statement, hinihingian siya para ma-release. Twice inulit sa kanya. But the affiant refused. Instead of giving, nag execute siya ng affidavit, nagreklamo siya,” paliwanag ni Panelo.
Pero hindi aniya kinagat ng kumpanya ang alok ni Millar sa halip naghain ng reklamo sa Malacañang.
Dahil sa reklamo ipinag-utos ni Pangulong Duterte na sibakin kaagad at imbestigahan si Millar.
Sa kanyang hiwalay na pahayag, sinabi ni Millar na siya ay kusang nagbitiw sa pwesto at hindi sinibak ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.