Niyanig ng 6.9 magnitude na lindol ang karagatang sakop ng Chile sa kanlurang bahagi ng Coquimbo.
Unang naitala ng United States Geological Survey ang pagyanig sa Magnitude 6.6 pero itinaas ito sa 6.9.
Wala namang inilabas na tsunami warning ang pacific tsunami warning center matapos ang lindol.
Noong Setyembre, niyanig ng 8.3 magnitude na lindol ang Chile na ikinasawi ng 15 katao.
Nagdulot din ng tsunami warnings ang nasabing lindol dahilan para ilikas ang mga mahigit isang milyong residente sa California at Hawaii.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.