Mt. Mayon dalawang beses nagbuga ng abo ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2018 - 11:28 AM

Nakapagtala ng dalawang phreatic eruption sa Bulkang Mayon ngayong umaga ng Lunes, Nov. 26.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagputok alas 7:59 ng umaga at alas 8:05 ng umaga.

Nagbuga ng grayish hanggang grayish white na ash plume ang bulkan na may taas na 300 hanggang 500 metro.

Nasa alert level 2 ngayon ang Mayon Volcano na nangangahulugan na ang estado nito ay moderate level.

Patuloy ang babala ng Phivolcs sa publiko na maaring magkaroon ng biglaang pagputok, lava collapses, ashfall at pyroclastic density currents sa bulkan.

Bawal pa rin ang pagpasok sa six kilometer-radius Permanent Danger Zone nito.

TAGS: Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.