P300M inilaan ni Pang. Duterte para sa pagpapatayo ng bagong gusali ng ospital sa Westmincom
Aabot sa P300 milyon ang pondo na inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapatayo ng panibagong two-story building sa Camp Navarro General Hospital sa loob ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos ang pagbisita sa 23 sugatang sundalo sa naturang kampo.
Sa ngayon sinabi ng pangulo na may natitira pang pondo ang ospital na P27 milyon.
Ayon sa pangulo, gamitin na lamang ang naturang pondo para ipambili ng medical equipment.
Una rito, ginawaran ni pang duterte na Order of Lapu-Lapu na may ranggong “Kampilan” ang mga sugatang kawal.
At binigyan ng tig P100,000 pinansyal na ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.