Presyo ng hamon at ilang grocery items tumaas
Isang buwan bago mag-Pasko ay tumaas na ang presyo ng ilang grocery items at ng hamon na kadalasang handa tuwing Noche Buena.
Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. at Department of Trade and Industry, may ilang brands ng processed meat products at sandwich spread ang nagtaas ng presyo ng hanggang 10 porsyento.
Ang presyo ng hamon ay tumaas din ng 10 porsyento habang ang ilang snack foods ay tumaas ng hanggang 12 porsyento.
Nagkaroon na rin ng kaunting paggalaw sa presyo ng all-purpose cream, tomato sauce at spaghetti noodles.
Sinabi naman ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. President Steven Cua na posibleng hindi na tumaas ang presyo ng grocery items sa darating na buwan.
Sapat naman anya ang suplay ng mga Noche Buena products sa Kapaskuhan.
Sa Disyembre, nakatakda namang maglabas ng bagong listahan ng suggested retail price ng mga pangunahing bilihin ang DTI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.