Aspiring lawyers hinimok na makiisa sa laban kontra karahasan sa mga abogado sa bansa

By Justinne Punsalang November 26, 2018 - 01:54 AM

Kasabay ng pagtatapos ng bar examinations ngayong araw ng Linggo, hinimok ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang mga aspiring lawyers na makiisa sa laban kontra sa karahasan sa mga abogado sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni IBP President Abdiel Fajardo na dapat magsama-sama ang lahat ng mga abogado at gustong maging abogado upang hilingin sa pamahalaan na solusyunan ang lumalalang culture of impunity at harassment sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Fajardo, trabaho ng pamahalaan na protektahan ang mga abogado na silang nagtatanggol naman sa mga karapatan ng mga mamamayan.

Aniya pa, sa huling datos, 35 mga abogado, prosecutor, at mga hukom ang napatay, kaya naman maituturing ang legal profession na isa sa pinakamapanganib na trabaho.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.