Ateneo pasok na sa Finals ng UAAP 81 men’s basketball
Sa ikatlong sunod na taon ay magbabalik sa finals ng UAAP ang koponan ng Ateneo de Manila University Blue Eagles.
Ito ay matapos nilang talunin ang Far Eastern University Tamaraws sa kanilang naging tapatan kanina sa Smart Araneta Coliseum.
Natapos ang laro sa iskor na 80-61, pabor sa defending champions.
Umabot sa 31 puntos ang lamang ng Blue Eagles sa Tamaraws sa ikatlong quarter ng laro.
Lalo pang nahirapan ang FEU matapos ipatanggal sa court ang kanilang point guard na si Alec Stockton dahil sa kanyang tangkang pagsuntok kay Thirdy Ravena.
Si Raven ang nanguna sa Ateneo dahil sa kanyang naiambag na 22 puntos. Sinundan naman siya ni Angelo Kouame na may 18 points.
Para sa FEU, Barkley Ebona ang nanguna sa kanyang 9 points.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ng Ateneo kung sino sa Adamson University Soaring Falcons at University of the Philippines Fighting Maroons ang mananalo sa kanilang do-or-die playoff sa Miyerkules upang malaman kung sino ang kanilang makakatapat sa best-of-three finals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.