Maaaring i-take over ng Department of Energy (DOE) ang operasyon ng Panay Electric Company(PECO) kung hindi ito makikipagtulungan sa transition process o ang paglilipat ng kanilang operasyon sa bagong binigyan ng legislative franchise na More Power and Electric Corp.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, mayroon nang binuong Task Force ang DOE kasama ang National Electrification Administration (NEA) para pangunahan ang pangangasiwa sa pasilidad at operasyon ng PECO.
Aminado si Cusi na mas magiging mabigat ito para sa PECO kaya mas umaapela sila sa pamunuan nito na pumasok at bumuo na ng isang kasunduan sa pagitan ng MORE Power para bigyang daan ang smooth transition.
Gayunpaman, kung patuloy umanong magmamatigas ang PECO ay ang gobyerno na ang siyang mamamagitan sa isyu sa pamamagitan ng holdover capacity lalo at interes ng mga residente ang nakasalalay dito.
Matatandaang hindi dumalo sa transition hearing na ipinatawag ng Technical Working Work na binuo ng Senate Committee on Public Services ang PECO kung saan tatalakayin sana ang transition process o ang paglilipat ng operasyon ng PECO patungo sa More Power na syang napipintong bigyan ng legislative franchise ng lehislatura habang ang renewal ng prangkisa ng PECO na nakatakda nang magpaso sa Enero 18, 2019, ay nanatili pa ring nakabinbinbin at hindi inaaksyunan ng House Committee on Legislative Franchises.
Sa inaprubahang franchise bill ng Senado ng second reading para sa MORE Power ay nakapaloob dito na magkakaroon ng 1 year transition period kung saan ang PECO ay bibigyan ng Certificate of Public Convenience and Necessity(CPCN) para ilipat ang kanilang operasyon patungo sa More Power.
Una nang umani ng batikos ang PECO mula sa mga residente at mga mambabatas nang sabihin ng kanilang legal counsel na si Atty Inocenco Ferrer na ititigil nila ang kanilang operasyon kapag hindi narenew ang kanilang prangkisa at ang mararanasang blackout ay dapat isisi sa Kamara at Senado.
Ang pananakot ni Ferrer ay taliwas naman sa nauna nang pangako ni PECO Chairman Luis Miguel Cacho na makikipagtulungan ang kumpanya sa pamahalaan kahit pa man hindi marenew ang kanilang 95 taong operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.