Black bugs, umatake sa ilang barangay sa Leyte
Nameste ang ilang black bugs sa ilang barangay sa Leyte, Ormoc City.
Batay sa ulat, kumpul-kumpol na black bugs ang bumalot sa ilang pader at gusali sa lugar.
Ayon sa International Rice Research Institute (IRRI), sinisira ng bugs ang mga halaman kapag umaatake ito.
Kadalasan anilang lumalabas ang black bugs tuwing full moon.
Ngunit ayon sa Ormoc City Agricultural Services, ang bug attack ay hindi makaaapekto sa pagsisimula ng planting season sa susunod na linggo.
Hindi pa anila nagsimula ang mga magsasaka sa paglalagay ng rice seeds sa lugar.
Gayunman, pinayuhan ng mga eksperto mula sa IRRI ang mga magsasaka na taasan ang lebel ng tubig sa kanilang palayan dalawa hanggang tatlong araw bago magtanim.
Layon nitong mataboy at itigil ang pangingitlong ng black bugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.