Kumpanya ng petrolyo may bigtime rollback ngayong araw

By Den Macaranas November 24, 2018 - 09:02 AM

Inquirer file photo

Nag-anunsyo ang Phoenix Petroleum Philippines na magpapatupad sila ng rollback ngayong araw.

Sa advisory na kanilang ipinadala sa Department of Energy (DOE), sinabi ng Phoenix Petroleum  na simula mamyang alas-dose ng tanghali ay P1.10 ang kanilang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

Sa diesel ay P2.20 bawat litro ayon sa kanilang anunsyo.

Nauna dito ay sinabi ng DOE na magpapatupad ng oil price rollback sa susunod na linggo ang mga kumpanya ng petrolyo.

Resulta pa rin ito ng patuloy na pagbaba sa presyo ng langis sa world market.

Sinabi ng ilang oil industry insider na posibleng magpatuloy pa ang serye ng oil price rollback hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Disyembre.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, Phoenix petroleum, rollback, BUsiness, diesel, gasoline, Phoenix petroleum, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.