Samsung nag-sorry at nag-alok ng bayad sa mga empleyadong nagka-cancer

By Den Macaranas November 24, 2018 - 08:55 AM

AP photo

Naglabas na ng public apology ang Samsung Electronics para sa mga kaanak ng kanilang mga empleyado na nagkaroon ng cancer makaraan ang mahabang labor dispute na kinasasagkutan ng nasabing kumpanya.

Kasunod ito ng pag-aalok ng formal settlement agreement para sa mga nagkasakit na empleyado.

“We sincerely apologize to the workers who suffered from illness and their families,” said the firm’s co-president Kim Ki-nam. “We have failed to properly manage health risks at our semiconductor and LCD factories”, bahagi ng kanilang pahayag sa publiko.

Ang Samsung Electronics ay isa sa pinakamalaking mobile phone manufacturer ay ang flagship subsidiary ng Samsung Group.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga empleyadong nagkaroon ng iba’t ibang uri ng cancer ay galing sa kanilang semiconductor production plant sa Suwon at ang ilan naman ay sa Hwaseong at Pyeongtaek sa South Korea.

Sa kabuuan ay umabot sa 240 na mga empleyado ang sinasabing nagkaroon ng cancer kung saan ay umakyat na sa 80 ang bilang ng mga namatay.

Karamihan sa mga nasawing mga empleyado ay pawang mga kababaihan ayon pa sa ulat.

Sa kabuuan ay umaabot sa 150 won o katumbas ng P6.9 Million ang iniaalok na bayad ng Samsung sa bawat empleyado na nagkaroon ng cancer dahil sa pagkaka-exposed sa iba’t ibang uri ng chemical.

Noong taong 2007 unang lumabas ang ulat tungkol sa mga empleyado ng Samsung Electronics na ang kasakit dahil sa pagta-trabaho sa nasabing mga planta.

Umakyat sa hukuman ang kaso kung saan hanggang ngayon ay hindi sinasabi ng Samsung Electronics ang uri ng chemical na ginagamit sa kanilang mga planta dahil bahagi umabo ito ng “trade secret”.

TAGS: BUsiness, cancer, hwaseong, samsung electronics, samsung group, south korea, BUsiness, cancer, hwaseong, samsung electronics, samsung group, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.