US umaasahang mapag-uusapan ang sigalot sa South China Sea sa APEC Summit
Umaasa ang Etados Unidos na matatalakay ang isyu sa sa West Philippine Sea o South China Sea sa magaganap APEC summit sa susunod na linggo.
Ito ay sa kabila ng pahayag ng Malakanyang na hindi uungkatin ang nasabing isyu.
Ayon kay US State Department spokesman Mark Toner, kahit hindi man mapasama sa ‘formal agenda’ ay posibleng maungkat ang South China Sea dispute sa sidelines ng APEC summit.
Sa pagbisita kahapon ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Malakanyang, tiniyak ni Pangulong Aquino na hindi uungkatin ang isyu ng territorial dispute sa darating na APEC summit.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, ‘hindi proper forum’ ang APEC leader’s meeting para talakayin ang West Philippine Sea dispute at may pormal nang kaso ang Pilipinas na nakahain sa arbitral tribunal ukol dito.
Mananatili rin aniyang isang magalang at kagalang-galang na punong-abala ang Pilipinas sa panahon ng APEC summit kaya’t gagawin nito ang lahat upang matiyak na magiging maganda at maayos ang pananatili ng mga bibisita sa bansa na lalahok sa naturang okasyon.
Una nang kinumpirma ng China na darating sa bansa si President Xi Jinping para dumalo sa APEC summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.