Media pinayagan ng Korte Suprema na i-cover ang paglilitis kay De Lima
Pinayagan ng Korte Suprema ang media coverage sa paglilitis kay Senator Leila De Lima sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga sa Muntinlupa City Regional Trial Court.
Sa notice of resolution, inatasan ng Korte Suprema ang Justice beat reporters na magpanukala ng guidelines na susundin sa courtroom access.
Partikular na inatasan ng SC ang mga miyembro ng Justice Reporters’ Association (JUROR) at Justice and Court Reporters’ Association (JUCRA).
Nag-ugat ang desisyon matapos hilingin ng isang Rappler reporter na payagan sila na i-cover ang paglilitis matapos silang pagbawalan ni Judge Lorna Navarro-Domingo.
Sinabi ng SC na hindi bababa sa apat na media members ang dapat payagang mag-cover at pipiliin sila sa pamamagitan ng draw lots.
Inatasan din ng SC ang Muntinlupa RTC na payagan sa courtroom ang mga mamamahayag kung ilan ang kaya na kayang i-accommodate ng pasilidad.
Hindi naman papayagan ang cameras at iba pang recording devices sa loob ng courtroom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.