Babaeng estudyante nagtangkang tumalon mula sa ika-8 palapag ng gusali sa Maynila
Nabalot ng tensyon ang bahagi ng M. Tolentino Street sa Sampaloc Maynila.
Ito ay matapos magtangka na tumalon mula sa ika-8 palapag ng Crown Tower sa University Belt.
Maagap naman na rumesponde ang mga tauhan ng Manila Fire Bureau kaya naagapan ang tangkang pagpapakamatay ng estudyante.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Fire Officer 3 Peejay Sebio, sinabi nito na inabutan nila na pinipigilan ng gwardya ang babae na nagpupumiglas pa at gusto talagang tumalon.
Sinabi ni Sebio na iyak ng iyak ang babae at pilit na bumibitaw sa gwardya, subalit nagawa pa rin nila itong mahila at mailayo sa gilid ng gusali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.