WATCH: PDEA official, ex-PNP official at dalawa pa inisyuhan ng contempt order ng Senado

By Jan Escosio November 23, 2018 - 01:02 AM

Naubos na ang pasensiya ni Senador Richard Gordon kaya’t nagpalabas na ito ng contempt order laban sa apat na personalidad na sinasabing malaki ang kinalaman sa nadiskubreng P11 billion shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).

Sa simula pa lang ng hearing ay nainis na si Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, nang malaman na wala si Marina Signapan, ang sinasabing may-ari ng SMYD Trading at isang consignee for hire.

‘Di umano nag-text lang si Signapan sa committee secretariat para ipaalam ang hindi niya pagdalo, bagay na ikinainis nang husto ni Gordon.

Agad ipinag-utos ng senador na ipahanap sa mga pulis si Signapan at iharap sa pagdinig.

Lalo namang nag-init ang ulo ni Gordon sa hindi muling pagharap nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director General Ismael Fajardo, dating police Senior Superintendent Eduardo Acierto, at maging ni PDEA Director General Aaron Aquino.

Nadamay na rin si Emily Laquingan ang ‘di umano’y may kaugnayan kay Pony Chan, isa sa mga Hong Kong national na may kinalaman sa pagpupuslit ng droga.

Nakiusap na si Gordon kay Senador Cynthia Villar para may isang senador na sumang-ayon sa ilalabas niyang contempt order.

Ayon kay Gordon napakahalaga ng magiging testimoniya ng apat sa ginagawa nilang pag-imbestiga kaya’t gusto niya na humarap muli ang mga ito sa Senado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.