89 arestado dahil sa illegal online gambling sa Pasig City
Hindi bababa sa 89 na katao ang inaresto ng mga pulis sa ginawang raid sa isang pasilidad sa Pasig City, na umano’y sangkot sa illegal online gambling.
Mismong ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nagsilbi ng search warrant sa isang palapag ng Ortigas Techno Point Building 2, Home Depot Complex, sa Doña Julia Vargas Avenue sa Pasig City, Huwebes ng hapon.
Karamihan sa mga naaresto ay mga Chinese national.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, labag sa batas ang operasyon ng online gambling, dahil nag-apply ito bilang call center. Nabisto rin na may transaksyon ng sports betting at illegal lottery.
At ang nakakapagduda rin aniya ay mismong ang mga in-charge o supervisor sa admin ng naturang online gambling ay hindi raw alam ang background ng mga banyagang nagta-trabaho sa kanila.
Nakumpiska naman sa lugar ang mga computer unit at iba pang gamit na ginagamit sa ilegal na operasyon ng online gambling.
Inihahanda na ang mga kaso laban sa may-ari ng pasilidad, maging sa mga naaresto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.