Pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte, walang turn over ceremony

By Chona Yu November 23, 2018 - 01:24 AM

Wala nang seremonya sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022.

Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon sa Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite, sinabi nito na bababa na siya sa puwesto nang walang seremonya o kahit na anong turn over.

Pagkatapos aniya ng kanyang termino, o kinabukasan ng June 30, 2022 ay bakante na kaagad ang kanyang puwesto.

“You can be very sure. On punto ‘yan, on the last day. I’ll just be formal about it. On the last day of my term, I will go down sans ceremony. Wala na ‘yung turnover-turnover. Bukas bakante na ‘yan, kung sinong may gusto sige,” ayon sa pangulo.

Masaya aniya siyang uuwi sa kanyang tahanan sa Davao City.

Kung sakali man aniyang magustuhan ng chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pumalit sa puwesto, dapat na itong idaan sa military junta para mas mapabilis ang pagproseso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.