Ilang grocery items, tumaas na ang presyo

By Rhommel Balasbas November 23, 2018 - 02:42 AM

Nagkaroon na ng pagtataas sa presyo ng ilang mga bilihin sa mga pamilihan.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua na may P0.25 hanggang P3.00 na pagtaas sa presyo ng mga produkto tulad ng processed meat, tinapay, toyo, suka, food seasoning, diaper at maging sa baterya.

Samantala, nagbabala si Cua na posibleng tumaas pa ang presyo ng ilan pang mga bilihin sa pagpasok ng Disyembre.

Ito ay dahil sa epekto ng ipinatutupad ng P25 na dagdag sa minimum salary ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Mula kahapon, November 22 ay epektibo na ang dagdag sahod.

Ayon kay Cua, makakakaapekto ang labor cost sa lahat ng mga industriya kaya’t kailangang magtaas ng mga negosyante ng presyo ng bilihin.

Sa ngayon naman anya ay hindi pa gumagalaw ang presyo ng Noche Buena items dahil marami pa itong supply sa mga pamilihan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.