Bloodletting activity isasagawa ng NPC para sa paggunita sa Maguindanao Massacre

By Rhommel Balasbas November 23, 2018 - 03:18 AM

National Press Club

Isang bloodletting activity ang isasagawa ng National Press Club (NPC) ngayong araw bilang paggunita sa ikasiyam na anibersaryo ng kagimbal-gimbal na Maguindanao Massacre.

Taong 2009 nang maganap ang trahedya na ikinasawi ng 58 katao kung saan 32 rito ay mga mamamahayag.

Ayon kay NPC President Rolando Gonzalo, pinili nilang gunitain ang massacre sa pamamagitan ng isang humanitarian activity na kanilang suporta na rin sa blood donation campaign ng Philippine Red Cross (PRC).

Nais anya nila na gawing makabuluhan ang paggunita sa mapighating araw na ito sa pamamagitan ng ‘celebration of life’ dahil sa nasabing blood donation.

Magaganap ang aktibidad sa Bulwagang Plaridel sa Intramuros, Maynila.

Samantala, bago ang bloodletting activity, isa namang banal na Misa ang magaganap sa NPC grounds na iaalay para sa mga nasawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.