Panibagong oil price rollback, inaasahan sa susunod na linggo
Inaasahang magkaroon ng panibagong bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), lumalabas sa kanilang pagtutok sa world market ang posibilidad na pagbabawas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa paglulunsad ng Philippine Conventional Energy Contracting Porgram sa Taguig, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na hindi pa mai-aanunsiyo kung magkano ang makakaltas sa mga presyo.
Kailangan pa aniyang hintayin ang resulta ng oil trading hanggang sa araw ng Biyernes, November 23, 2018.
Ito na ang ikapitong sunod na linggo na nagkaroon ng oil price rollback.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.