Mga basurang nasa Misamis Oriental kukunin muli ng gobyerno ng South Korea
Babawiin ng South Korean government ang tone-toneladang basura na dinala sa Misamis Oriental.
Ayon sa pahayag ni Kim Sunyoung, Minister Counselor ng Korean Embassy, ibabalik sa kanilang bansa ang nasa 5,100 na tonelada ng basura.
Ito ay makaraang matuklasan ng pamahalaan ng South Korea na hindi idineklara ang totoong laman ng kargamento.
Ayon kay Kim, false declaration ang ginawa ng kumpanya na nag-export ng containers.
Idineklara kasi aniyang recycled plastic materials ang mga kargamento batay sa dokumento.
Iniimbestigahan na rin ngayong ng Bureau of Customs sa Seoul ang kumpanyang nag-export ng kargamento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.