Mahigit 60,000 katao naapektuhan ng Bagyong Samuel – NDRRMC

By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2018 - 10:42 AM

Mahigit 60,000 katao o nasa 17,000 na pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Samuel.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), sa kabuuan nasa 62,268 na indbidwal ang apektado ng bagyo mula sa 137 na mga barangay sa Bicol Region, Central Visayas at Eastern Visayas.

Nakapagtala ng dalawang insidente ng pagguho ng lupa sa mga bayan ng lope De vega at Catubig sa Northern Samar kung saan ayon sa NDRRMC, limang bahay ang naapektuhan.

12 lugar naman sa Mimaropa at Eastern Visayas ang binaha.

Ayon sa NDRRMC, anim na beses naglandfall ang Bagyong Samuel.

Nakatakda na itong lumabas ng bansa mamayang gabi o bukas ng umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: aftermath, NDRRMC, Radyo Inquirer, Samuel, aftermath, NDRRMC, Radyo Inquirer, Samuel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.