VP Binay, naunahan si SP Drilon sa pinakahuling trust survey ng Pulse Asia
Kung hindi na si Vice President Jejomar Binay ang nangunguna sa survey ng mga Presidentiables para sa 2016, nanguna naman ito sa survey ng mga opisyal ng gobyernong may pinakamataas na trust rating sa kasalukuyan.
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nalampasan ni VP Binay si Senate President Franklin Drilon sa pataasan ng trust rating.
Mula 42 percent noong Marso, nasa 57 percent ang trust rating ni Binay sa kasalukuyan, samantalang nasa 45 percent si Senate President na dating nauuna sa March survey ng Pulse Asia.
Samantala, si Pangulong Noynoy Aquino ay tumanggap ng 50 percent trust rating na 14 percent na mas mataas kumpara sa rating na nakuha nito sa March survey.
Bukod sa pangunguna sa listahan ng mga most trusted official, umani rin ng 58 percent na approval rating si Binay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na mas mataas ng 12 percent kumpara sa March ratings na nakuha nito.
Pumangalawa si Pangulong Aquino na may 54 percent approval rating na mas mataas ng 16 percent kumpara noong Marso.
Ang Korte SUprema naman ang nakakuha ng pinakamataas na approval rating (44%) na sinundan ng Senado (40%) at House of Representatives (35%). – Mula sa Inquirer.net/Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.