Larawan ng naging pinsala ng wildfire sa California, inilabas ng NASA
By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2018 - 07:45 AM
Inilabas ng NASA ang larawan na nagpapakitan ng lawak ng pinsala ng wildfire sa Malibu, California.
Sa ngayon, 98 percent nang contained ang nasabing sunog at patuloy ang assessment sa tindi ng pinsalang naidulot nito.
Sa satellite image na inilabas ng NASA kita ang naidulot ng wildfire kung saan, malaking bahagi ng Malibu ang nag-kulay brown na.
Ayon sa California Fire, 1,500 na mga istraktura ang nawasak dahil sa sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.