Sundalong pumatay sa karelasyong guro, may iniwang dokumento tungkol sa kanilang pag-iibigan

By Rhommel Balasbas November 22, 2018 - 02:47 AM

PHOTO CREDIT: Jenyrose Benitez

Mayroong iniwang dokumento ang sundalo na namaril sa kanyang karelasyong guro na naglalahad sa kanilang love story.

Kinilala ang sundalo na si Ruperto Datuin at ang guro naman ay si Melody Sta. Teresa.

Ayon sa Bocaue Police, nakalahad sa 29 na pahinang dokumento ang kwento ng pagsisimula ng relasyon ng dalawa at ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.

Ayon kay Police Superintendent Amado Mendoza Jr. ng Bocaue Police, tila may galit si Datuin kay Sta. Teresa dahil nakipaghiwalay ito sa kanya.

Iginiit ng pulis na malaki ang posibilidad na plano talaga ito ng sundalo upang makita sa imbestigasyon kung ano ang nangyari sa relasyon nilang dalawa.

Ayon sa pulisya, sarado na ang naturang kaso.

May kanya-kanyang pamilya sina Datuin at Sta. Teresa.

Nangako ang lokal na pamahalaan ng tulong sa tatlong anak na iniwan ng nasawing guro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.