Japanese at Philippine officials, sinelyuhan na ang infrastructure projects

By Rhommel Balasbas November 22, 2018 - 03:28 AM

Ilang oras lamang matapos ang state visit ni Chinese President Xi Jinping sa bansa ay nagkaroon ng pagpupulong ang Philippines officials at si Hiroto Izumi, top adviser ng prime minister ng Japan.

Ito ay bilang bahagi ng pagsasakatuparan ng infrastructure projects na popondohan ng Japan sa Pilipinas.

Naganap ang 6th Philippine-Japan High Level Joint Committee on Infrastructure Development and Economic Cooperation kagabi sa Philippine International Convention Center (PICC).

Popondohan ng Japan ang USD 1.39 bilyong konstruksyon ng Metro Manila subway, rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3), bagong bypass road at isang bagong airport sa Bohol.

Ang loans na ito ay bahagi ng 1 trillion-yen aid at investment package na inialok ni Japanese Primer Minister Shinzo Abe noong 2017.

Nagpasalamat si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa mabilis na pag-apruba sa naturang mga proyekto.

Masaya si Dominguez na sa loob lamang ng maiksing panahon natugunan ng mga isinagawang joint meetings ang mga isyu.

Giit ng opisyal, sa pamamagitan ng isinagawang pulong ay naipakita ng dalawang pamahalaan ang pagtupad sa mga pangako.

Sa pamamagitan din anya ng joint meetings ay nahikayat ang dalawang bansa na umisip ng mas magagandang paraan para mapagtibay ang kooperasyon at pagpapatupad sa mga naturang proyekto.

Ang gobyerno ay nakikipag-ugnayan sa Japan, China, South Korea at iba pang bansa para sa flagship infrastructure program ng gobyerno na ‘Build, Build, Build.’

Noong Martes, sa pagbisita ni Xi ay naaprubahan naman ang USD 232.5 milyong pondo para pagbuo ng isang dam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.