Ilang mga bahay tinupok ng magkahiwalay na sunog sa Maynila

By Ricky Brozas November 11, 2015 - 04:19 AM

fire
Inquirer file photo

(UPDATE) Nanlumo ang mga residente sa isang commercial-residential area sa kahabaan ng A. Francisco Street corner Chromium Street San Andres Bukid sa lungsod ng Maynila nang matupok ang kanilang mga bahay at estabilisyimento.

Apat na bahay ang naabo at sampung pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Kasama sa nasunog ang ilang tindahan at hardware.

Sinabi ng Manila Fire Department na nagsimula ang sunog pasado alas 5:00 ng hapon at umabot ito sa 4th alarm bago idineklarang fire under control alas 6:50 ng gabi.

Ayon kay Manila Fire Marshall Supt. Jaime Ramirez, sa likurang bahagi ng isa sa apat na bahay nagsimula ang sunog subalit hindi pa tiyak kung ano ang naging sanhi ng apoy.

Tinatayang nasa kalahating milyong piso ang halaga ng pinsala sa sunog.

Samanatala, umabot sa mahigit-kumulang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang kanilang lugar sa Road 10, Moriones, Tondo, sa Maynila kagabi.

Pasado alas 8:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa naturang lugar na umabot sa Task Force Alpha.

Alas 11:49 naman nang idineklarang fire out ang naturang sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang naiwang kandila na nakasindi ang pinagmulan ng insidente.

Wala umanong kuryente ang mga bahay na nasa lugar nang mangyari ang sunog.

Dahil gawa sa mga light materials ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan sa dalawang insidente.

 

TAGS: fire, manila, Tondo, fire, manila, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.