CNA bonus ng mga empleyado ng gobyerno, matatanggap sa Dec. 15
Good news sa mga manggagawa sa gobyero.
Maliban sa 14th month pay, cash gift at performance incentives, may panibago pang bonus na matatanggap ang mga kawani ng gobyerno simula sa December 15.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), matatanggap na kasi ng mga kawani ng gobyerno ang collective negotiation agreement na isa pang uri ng bunos.
Nabatid na ang CNA ay isang one-time benefit na hindi lalagpas ng P25,000 at ibinibigay sa management at rank and file employees ng mga ahensiya ng gobyerno na mayroong aprubado at nagpapatupad ng CNA.
Ang CNA ay ibinibigay bilang pagkilala sa pagsisikap ng management at mga kawani ng pamahalaan sa pagtupad ng performance targets nang hindi gumagastos nang sobra sobra sa kanilang operasyon sa pamamagitan ng mga cost cutting measures at systems improvement.
Kabilang sa mga makatatanggap ng collective negotiation agreement ay civilian personnel na regular, contractual o casual positions na nagse-serbisyo sa full time o part time basis sa national government agencies.
Matatandaan na ngayong buwan lamang, siimulan na ng dbm na ipamahagi ang 14th month pay at cash gifts sa lahat ng kawani ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.