2 kidnapper patay sa engkwentro sa Batangas; biktima bigong mailigtas

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2018 - 10:48 AM

Patay ang dalawang hinihinalang kidnapper sa engkwentro sa mga pulis sa Batangas.

Nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Batangas police alas 2:40 ng madaling araw.

Iniabot ang pera sa mga kidnapper para sa pagpapalaya ng biktima subalit nakatunog ang mga ito na may pulis sa paligid kaya nagtangka silang tumakas sakay ng motorsiklo.

Doon na sila hinabol ng mga pulis at pagsapit sa bayan ng Talisay ay naganap na ang engkwentro.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 na baril.

Patuloy naman na pinaghahanap ang dalawa pang nakatakas na kasamahan ng mga suspek na tumangay sa kanilang lalaking biktima.

TAGS: Batangas, Radyo Inquirer, suspected kidnapper, Batangas, Radyo Inquirer, suspected kidnapper

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.