Bilang ng stranded na pasahero sa mga pantalan nadagdagan pa
Libu-libong pasahero at mga sasakyang pandagat stranded ngayon sa mga pantalang apektado ng bagyo, report ng PCG
May kabuuang 8,688 pasahero; 1,250 rolling cargoes; 206 mga sasakyang pandagat; at 48 bangkang de motor ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Samuel.
Ang report ni Philippine Coast Guard spokesman Capt. Armand Balilo ay batay sa nakalap na update alas-4:00 ng umaga ng Miyerkules (Nov. 21) mula sa mga Coast Guard station sa mga rehiyon na ngayon ay apektado ng bagyo.
Sa bilang na ito ang stranded sa National Capital Region-Central Luzon ay 661 na pasahero at 2 vessels
Sa Central Visayas- 1,913 pasahero; 184 rolling cargoes; 66 na vessels; at 9 na bangkang de motor
Sa Palawan ay stranded ang isang rolling cargoes at 6 na vessels
Sa Southern Tagalog- 707 na pasahero; 25 rolling cargoes; isang barko at isang bangkang de motor.
Sa Western Visayas- 494 na pasahero; 210 na rolling cargoes; 13 vessels; at 4 na motorbanca
Sa Bicol- 2,197 pasahero; 372 na rolling cargoe; 29 na vessel at 27 na motorbancas
Sa Northern Mindanao- 452 na pasahero; 9 na rolling cargo; 43 vessels; at 3 motorbancas
Sa Eastern Visayas- 980 pasahero 266 rolling cargoes; 11 vessels; at 3 motorbancas
Sa Southern Visayas – 1,284 na pasahero; 183 rolling cargoes; 35 vessels; at 1 motorbanca.
Ayon kay Balilo, patuloy ang pagbabantay ng PCG sa mga lugar na ngayon ay binabayo ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.