PUBLIC SERVICE: Bahagi ng Las Pinas, Paranque at Muntinlupa, apektado ng water service interruption
Buong araw na mahina hanggang sa walang suplay ng tubig ngayong araw ang bahagi ng Las Pinas City, Muntinlupa City, at Paranaque.
Sa abiso ng Maynilad, mayroong emergency service interruption mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Ito ay dahil sa hindi magandang kalidad ng tubig na nanggagaling sa Laguna Lake at pumapasok sa Putatan Water Treatment Plant ng Maynilad.
Kabilang sa mga apektado ang mga sumusunod na lugar:
LAS PINAS:
Almanza Uno
Almanza Dos (T.S. Cruz and BF Almanza)
Pamplona Uno
Pamplona Dos
Pamplona Tres
Pilar
Pulanglupa Dos
Talon Uno
Talon Dos
Talon Tres
Talon Kuatro
Talon Singko
BF International/CAA
MUNTINLUPA:
Alabang
Ayala Alabang
Tunasan
PARANAQUE:
Brgy. BF Homes
Ayon sa Maynilad patuloy ang monitoring nila sa raw water na nagmumula sa Laguna Lake.
Humingi ng pang-unawa ang Maynilad sa mga apektadong residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.